Tula tungkol sa Pilipinas

“Ang Aking Paraiso”
Isang tula tungkol sa Pilipinas.

Wika ng aking mga magulang:
Simple lang noon ang buhay,
Sa siyudad ka man o sa probinsiya naninirahan
Maliban na lamang kung ikaw ay mayaman

Pagkalipas ng ilang dekada marami nang pagbabago
Ang buhay ay medyo raw umasenso.
Kabi-kabila’y naglalakihang mga gusali ang iyong makikita.
Kotse, SUV at meron ding kaunting limousine na naglipana.
Hip na hip kung may Levis, Nokia, laptop at iPod ka pa.

Bakit sa kabila ng pag-asenso ay parang dumarami din ang nalulugmok sa kahirapan? Sabi ng iba: maging pulubi man ay masasaya. Subalit ito ang aking katanungan: Di mo ba naririnig ang mga hinaing ng nakararami? Di mo ba nararamdaman ang kanilang mga pagdurusa at pasakit? Bukambibig ng mamamayan ay “Bawal magkasakit”, at madadagdagan lang ang mga hinagpis.

Kapag pinapanood ko itong video na ito, sumisikip ang dibdib ko at ako’y napapaluha. Sa mga isang kahig isang tuka – minsa’y kulang pa ang kinita para ibili ng pagkain ng pamilya.

Sana balang araw,
Ang lahat ay may sapat at masustansiyang pagkain.
At ng hindi na nagtatalo-talo
sa kakapiranggot na ulam na pinaghati-hati. Kumakalam na sikmura’y hindi na rin maririnig.

Dapat ang pagpapagamot o pagpapaospital
Ay abot-kaya ng nakararami.
Malinis na inuming tubig
Ay hindi lamang sa mga may salapi.
May kalidad na eskwela
Ay hindi lamang sa mga piling-pili.

Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa.
Naniniwala ako na pagdating ng panahon
Ay mas uunlad pa ang bayan kong sinilangan.
Pero sana ito ay akin pang maabutan.

—–

Maari po bang inyong suportahan
Ang inyong lingkod, sa bahay gagambahan
Mag anunsiyo sa ating classified ads
Sa Pinoy United ay libre lang.

Comments

  1. Lun Bernadette Juan says:

    Ang galing naman ng pagkagawa! >:D

  2. ruth fauste says:

    its beautiful,,it makes me inspire,,to study more,,..ikinalulungkot ko ang kalagayan ng ating bansa,,marami pong salamat sa inyong napakagandang tula,susubukan ko po at gagawin ang lahat para makatulong po sa ating bansa….

    • angelica cyrille alolor says:

      maraming salamat po sa tulang ito tutulungan ko po ang mga taong mahihirap upang tumigil ang pag aaway ng mga tao alang-alang sa pag unlad ng mga mamamayan makakatulong din po ang pagbibigayan at tutulong po ako sa ating bansa sa pamamagitan ng aking magagandang paraan………

    • ang ganda i like it pwede ko tong kopyahin gagawa ako project eh XD

  3. edward rosacia says:

    Hindi ka nagiisa kaibigan.
    Ako may naharang kamakailan sa may simbahan.
    Ng tangkahin kong ipuslit sa loob ng simbahan ang mga pulubi sa lansanagan.
    Nais ko silang isama loob at bigyan ng kalinawan.
    Tungkol sa buhay, liwanag, at Dyos.
    Ng maging kanilang taglay sa araw araw ng kanilang pamumuhay.
    Bagama’t akoy pinagbawalan at hinarang ng mga gwardya sa daan.
    Dala ko sa aking isipan mga tanong na bumabalakid sa kanilang binabantayan.

    Tila hindi nila nauunawaan, ang ugat ng kanilang layunin.
    Sa magdamag at bawat oras na kanilang tatrabhauin.
    Hindi ko man ito maibaling sa mga taong may matatayog na layunin.
    Sa halip ay naipukol ito sa aking isip mula sa mga maliliit na unit sa ating lipunan.
    Ang aking pagkayamot sa pagbigkas nila ng mga salitang Mabaho, Marumi, at mga Adik.
    Ang mga salitang iyon ay labis na nagpaantig sa aking galit.
    Na nagpaliwanag sa akin ang tunay na ugali ng mga Pilipino.
    “Ang pagtatapakan sa gitna ng kahirapan.”
    Lubos kong inuunawa ang mga laman ng salitang kanyang binitiwan.
    Na nagnanamnam sa kanyang paninindigan upang ako’y kanyang pigilan.
    Ang nais lamang ng aking mga kaibigan ay maranasan ang nararanasan ng normal na kristyanong kabataan.
    Ang tanong ko sa aking isipan, paano tayo magkakaunawaan?
    Kung sa maliliit at sa malilinis na hangad ng bawat kabataan ay hindi natin mapagbigyan.

  4. ang ganda talaga ng mga tulang tungkol sa pilipinas

  5. Arevalo Family says:

    Tama!!!! ang wikang Pilipino!!!!

  6. Arevalo Family says:

    ipag malaki natin na tayo ay pilipino

  7. Mae Bayalas says:

    Nice! it helps me to study more.

  8. Paulo Fernandez says:

    Truly a beautiful wonder ang Pilipinas… NOON…

    Very disappointed of what’s happening today…

    Lalo na dahil kay Paulo…

  9. annjoshua says:

    ang ganda naman nitong tulang ito….harr……harrrrrrr

  10. Pilipinas Aking Bansa
    Noong panahon ng mga kastila,
    Tayo’y inalipin ng mga dayuhan.
    Kahit pag-aari natin ang lupang sinilangan,
    Sila’y nakipagdigmaan at patayan upang masakop lamang ang ating lupang sinilangan.

    Dahil nais ng mga dayuhan ang perlas ng sinalangan,
    Sinakop nila tayo ng walang alinglangan.
    Ngunit an gating mga bayani’y sumabak din sa digmaan,
    Para manatiling atin ang lupang sinilangan.

    Tayo’y magpasalamat kay Manuel L. Quezon,
    Na siyang nag tatag ng ating pampansang wika.
    Kinilala siya bilang ama ng ating wika,
    At kanyang minulat ang bawat damdamin ng mamayang Pilipino.

    Ang wikang tagalong ay sadyang napakahalaga,
    Dahil ditto tayo’y nagbubuklod at nagkakaisa.
    Isa din itong marka na tayo’y isang lahi,
    Wikang tagalong ay payamanin,, palayain at ibahagi.

    Ating salitain sa bawat dako ng mundo,
    Damdamin sa dibdib at pagyamanin sa puso ang pagiging Pilipino.
    Ito ay magiging lakas mo sa kahirapan sapagkat ang mga Pilipino’y kilala bilang mga matatapang,
    At ito rin ang mag papatunay na saan mang dako ng mundo ikaw parin ay isang Pilipino.

  11. franciscajayme says:

    its beautiful,,it makes me inspire,,to study more,,..ikinalulungkot ko ang kalagayan ng ating bansa,,marami pong salamat sa inyong napakagandang tula,susubukan ko po at gagawin ang lahat para makatulong po sa ating bansa….
    Reply

    edward rosacia on January 26, 2012 @ 4:04 am
    Hindi ka nagiisa kaibigan.
    Ako may naharang kamakailan sa may simbahan.
    Ng tangkahin kong ipuslit sa loob ng simbahan ang mga pulubi sa lansanagan.
    Nais ko silang isama loob at bigyan ng kalinawan.
    Tungkol sa buhay, liwanag, at Dyos.
    Ng maging kanilang taglay sa araw araw ng kanilang pamumuhay.
    Bagama’t akoy pinagbawalan at hinarang ng mga gwardya sa daan.
    Dala ko sa aking isipan mga tanong na bumabalakid sa kanilang binabantayan.
    Tila hindi nila nauunawaan, ang ugat ng kanilang layunin.
    Sa magdamag at bawat oras na kanilang tatrabhauin.
    Hindi ko man ito maibaling sa mga taong may matatayog na layunin.
    Sa halip ay naipukol ito sa aking isip mula sa mga maliliit na unit sa ating lipunan.
    Ang aking pagkayamot sa pagbigkas nila ng mga salitang Mabaho, Marumi, at mga Adik.
    Ang mga salitang iyon ay labis na nagpaantig sa aking galit.
    Na nagpaliwanag sa akin ang tunay na ugali ng mga Pilipino.
    “Ang pagtatapakan sa gitna ng kahirapan.”
    Lubos kong inuunawa ang mga laman ng salitang kanyang binitiwan.
    Na nagnanamnam sa kanyang paninindigan upang ako’y kanyang pigilan.
    Ang nais lamang ng aking mga kaibigan ay maranasan ang nararanasan ng normal na kristyanong kabataan.
    Ang tanong ko sa aking isipan, paano tayo magkakaunawaan?
    Kung sa maliliit at sa malilinis na hangad ng bawat kabataan ay hindi natin mapagbigyan.
    Reply
    Leave a Reply

  12. althea dorado says:

    pilipinas kong minumutya

  13. Addybriones says:

    I want a tula tungkol sa pilipinas na limang linya sa isang stanza

  14. ass.
    gumawa ng isang tula tungkol sa kasaysyan ng ting bansa

Speak Your Mind

*