Halimbawa ng Tula

Ang Tula ay Tagalog ng poem. Ang Tanaw ay isang halimbawa ng poem.

Tanaw
1
Malamig ang haplos ng hangin sa silong ng Acacia;
ang mga dahon nito’y bumubuo ng isang kaulapang humaharang
sa pagtalsik ng liwanag na ibinubuga ng tanghaling araw.
Animo’y pinahiran ng langis ang mga kumikisap na berdeng dahon;
sa ilang siwang ng mga ito’y nakaulos ang mga sibat na sinag
na nagpapahapdi sa aking balat kapag nadadampian.
Sa sahig ng puno’y nakalatag ang mga tuyong dahon
habang nakausli ang mga siit at damong umaahon mula sa pagkakaragan.
Nakaumbok ang bahagi ng lupang nakadantay sa mga binti ng Acacia,
samantalang nililingkis ang troso nito ng mga baging at galamay ng kadawagan.
Mula sa lilim ay makisig at matangkad na katawan ng Acacia
ang bumabayumbong sa bawat ikubli ng anino nito;
ang mga sanga’y tulad ng mga braso ng boksingero
na busog sa laman at bugbog sa ehersisyo;
ang bawat sanga’y parang kidlat na sa kauunat
ay tinubuan ng maraming kamay.
Kulot na buhok ng dilag ang anyo ng mga dahon;
waring inaalon ng hangin ang bawat hiblang nakalugay
paakyat sa bawat sulok ng langit.
Parang pakpak ang buong punong kahoy;
kagaya ng ibon na lumilimlim sa mga sisiw
na sa sandaling bulabugin ng hangin
ay ikakawag ang mga sanga nito’t
animo’y nais makalipad.

2
Masarap umupo sa sanga
ng punong Molave.
Dito’y tanaw at halos kasingtangkad ko
ang mga katabing punong kahoy.
Ang mga ito’y parang mga batang
nagwiwili sa parke;
nakaupo, nakawekwatro, nakadukwang
namimilipit
nag-iinat o nakatindig
na parang prinsesa.
Ang bawat puno’y kulupon
ng mga dahon;
nakasalalak sa kanila
ang iba’t ibang hugis;
hilaw o hinog na bunga
sapot ng langgam, pugad ng maya
at bulaklak.
Iba’t ibang kulay
Iba’t ibang puno ng buhay:
Narra, Molave, Acacia
Mahogany, Sampaloc, Mangga
Ipil-ipil, Niyog, Avocado, Bayabas
o anomang punong may dagta.
Parang turumpo
ang hangin habang umuumpog
sa bawat punong kahoy;
parang tubig sa batis
na lumiligwak sa aking mukha
ang simoy nito.

3
Abot-tanaw ko ang gubat
mula sa dibdib ng burol;
ang mga puno’y
parang kawan ng mga kambing
na nanginginain sa parang.
Nakapukol sa lupa
sa iisang direksyon
ang kanilang anino;
walang tiyak na ayos
ang kanilang hanay
tulad ng mga kambing
na nanginginain sa parang.
Masinsin ang ihip
ng hangin sa burol
subalit hindi kumakawag
ang mga punong kahoy.

4
Higit na malawak
ang tanawin
mula sa tuktok ng bundok;
tanaw ko ang gubat
na animo’y pitak
ng mga kabute
at berdeng bubog.
Matingkad
ang sikat ng araw
at ang buong gubat
ay hindi makagawa ng lilim.
Humahampas
sa aking mukha
ang hangin
subalit ang gubat
ay hindi natitinag.

5
Sakay ako
ng eroplano
at sa munting
bintanang
salamin nito’y nasisilip ko
ang mundo;
sa pagitan
ng mga ulap
ay aking
nababanaag
ang lupa at dagat.
Animo’y
mantsa
sa damit
ang kagubatan.

Comments

  1. pinca pauline says:

    ang haba nman grabe
    nakakatamad basahin
    pero ang ganda sobra

  2. khelly boy jose guiyab says:

    napahanga ako ng iyong tula

  3. michelle says:

    ang haba naman ng tulang yan ang hirap sulatin nakakatamad

  4. princess says:

    ang ganda ng tulang binasa ko parang ako ang gumagawa

  5. mark gelo says:

    Mundo Ko

    Mundo, ikaw ay anking aalagaan
    kapaligiran mo’y aking lilinisin
    ang mga tao ay aking hihimukin
    upang paligid mo ay amng linisin

    Sa kabundukay magtatanim ng puno
    upang ito’ y bumalik sa dating anyo
    ating tanggalin dumi ng karagatan
    upang bumalik ang dating kagandahan

    Mga ibon ay aming aalagaan
    upang sila ay hindi na mabawasan
    ang mga puno ay aming dadagdagan
    upang mga ibon ay may matirahan

    kaya mundo ay ating pangalagaan
    iligtas ang mundo sa kapahamakan
    palad mo,palad ko;y kailangan natin
    upang ang mundo ay mailigtas natin

  6. rosemarie says:

    maganda siya,,,ok lang kahit mahaba

  7. mariedy says:

    sino ang sumulat ng tula???

  8. fatma sahara badio says:

    magandang basahin ang mga tula ninyo <3

  9. al-rahimin eludo says:

    nakaka insprd at maraming makuha idea,tnx

  10. Benedict Magat says:

    Ganda ng tula.. Hihi. Haba pa.. Dahil sa kakaEnter. :D xD Ganda.

  11. Ang ganda ng mga tula pero nakakatamad mag-sulat

  12. kimlee_8693@y.c. says:

    ang ganda grabe…nabasa ko pero….hndi gaanong na enjoy magbasa kasi buong magdamag kong binasa at inintindi ang tula…hahahah

    wla na bang mas mahaba pa????

  13. very nice ang tula…very informative din…thanx for posting.

  14. ang gnda aman ng tulang yan
    kso nga lng kktmad bxhin
    peo nkkita aman ung paghihirap n ginwa dyan sa tula
    nyc!!!!
    lyk it poh!!!!

  15. JuniorMiah12 says:

    ang haba
    nakakatamad basahin at isulat
    pero ok lang naman nung tula maganda
    sobrang ganda..

    tanong ko lang
    sino po dito ang sumasali sa balagatasan o sa tula?
    tanong lang po

    ang hirap magkaassignment sa filipino

    • avegail aster says:

      ang ganda talaga nong tula i love it……..

      tanong ko lang po ay meron pa po bang iba tula tungkol sa pag ibig
      salamat po kung na sagut niyo po yung tanong ko.

    • Lykazikate says:

      Silang Mapapalad
      ni: Kiko Manalo

      Mapapalad ang mga walang pangarap
      Dahil hindi nila kailangang hagilapin,
      Ang mga “x” ni Math
      Na kaytagal nang hinahanap
      Hindi pa rin mahagilap.

      Mapalad ang mga walang pangarap,
      ‘Pagkat hindi nila kailangang sagutan
      Kung ano ang kahulugan
      Ng Statistics at Trigo
      Sa buhay ng tao.

      Mapalad ang mga walang pangarap,
      Dahil hindi nila kailangang magpasya,
      Kung ano ang pipiliin
      Aklat ba o DOTA,
      Facebook ba o Algebra.

      Mapalad ang mga walang pangarap,
      Dahil hindi nila kailangang magpumilit,
      Na magsalita ng English,
      At dila’y mamilipit
      Kapag kausap si Masungit.

      Mapalad ang mga walang pangarap,
      Dahil hindi nila kailangang pag-aralan,
      Ang mga bayani ng bayan
      At magkakasalungat na istorya,
      Sa libro ng akademya.

      Mapalad ang mga walang pangarap,
      Dahil hindi nila kailangang mamalimos,
      Ng mga uno at dos,
      Sa ilang gurong nakasentro
      Sa pagtitinda ng tocino.

      Mapalad ang mga walang pangarap,
      Dahil hindi nila kailangang mag-imbento
      Ng matataas na grado,
      Sa nanay at tatay,
      Na umaasang ang buhay,
      Ay maiaahon ng mahinusay…

      Silang mapapalad..

  16. nice kulang pa dagdAGAN related sa pang uri but i like the poem nakatulong din aman sa sakin mag post pa

  17. merella grace sta.ana says:

    alam ko maganda yang tula
    kaya naman humahanga ako sayong tula
    !!!tenks!!!

  18. hahay! hirap nga nitong filipino. Nakakapagod! huhuhu! sakit na ng back ko!

  19. ..ah!!!..kw ba tlaga ang gumawa n’yan??
    . ang.galing mo nman…

  20. ang haba nmn… pero yan talaga ang kelangan sa project namin eh… magtiis nlng tau pag ganyan kahaba ang susulatin natin…

  21. wala bng ung tula 2ngkol sa LOVE……!!! kailangan kc ehhh!!!

  22. park jae-eun says:

    it’s really a good poem.. i hope that filipino poem writers will have a gathering and have a project where in they will implement filipino children to write poems than go to internet cafes and just spend their money just to play computer games…
    keep it up!!! hwating!!!

    kamsamnida…

  23. jolie ann durias says:

    tulong naman po ohh? d ko alam ano gagawin ko sa tula ko………haaaaaa
    wala akong utak ngayon upang makapag isip

  24. teffany joy entrina says:

    grabe ! aa haba nam tula na yan.. pero i like tula na yan xD !

  25. Monica Delos Reyes Mariano says:

    Ito ang magiging instrumento ng pagiging isang magandang halimbawa sa kapwa , dahil ”kaligtasan mo hawak ko!” .,

  26. maaari pu ba akong maka hingi ng inyong kaalaman abuot sa tula kahit ibat ibang halimbawa sa tula??????????????plz plz plz plz puh!thanks….

  27. angelito memoracion says:

    nakakagising ng damdamin!

  28. shane16 says:

    wla bng 2ngkol sa DaMit ?? ?!!
    i need na eh !!
    WALA BA?

  29. ang ganda naman ng mga tula nyo galing talaga pilipino :-)

  30. hahahhaahah sana marami pang halimbawa dahil it can inspired us all

  31. jeronimo malaga says:

    ang ganda nt isang to nagustohan ng mga teatcher sarap basahin XD

  32. grabeh naman ung tula sa unahan,npaka haba………….pero ung tulag ang mundo.maganda..sana mkasulat din ako ng tula noh?haaiiyyy:-)

Speak Your Mind

*