Welcome, visitor! [ Register | Loginrss


Mga Pangulo ng Pilipinas

Mga Presidente ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng labing-apat na pangulo. Ang kasalukuyang Presidente ng Pilipinas ay si Gloria Macapagal-Arroyo. Si Pangulong Aroyo ang panglabing-apat na Presidente.

Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan — hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.

Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.

Pangulo ng Unang Republika ng Piilipinas

* Emilio Aguinaldo: 1899-1901

Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas

* Manuel L. Quezon: 1935-1941, 1941-1944 (namatay)
* Sergio Osmeña: 1944-1946 (nanungkulan sa pagkamatay ni Quezon)
* Manuel Roxas: 1946-1948 (naging pangulo ng Ikatlong Republika)

Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas

* Jose P. Laurel: 1943-1945

Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas

* Manuel Roxas: 1946-1948 (namatay)
* Elpidio Quirino: 1948-1949 (nanungkulan sa pagkamatay ni Roxas); 1949-1953
* Ramon Magsaysay: 1953-1957 (namatay)
* Carlos P. Garcia: 1957 (nanungkulan sa pagkamatay ni Magsaysay); 1957-1961
* Diosdado Macapagal: 1961-1965
* Ferdinand E. Marcos: 1965-1969, 1969-1972 (iprinoklama ang batas militar)

Pangulo noong Panahon ng Batas Militar / Bagong Republika ng Pilipinas

* Ferdinand E. Marcos: 1972-1981 (namahala bilang isang diktator sa ilalim ng batas ng pangulo)

Pangulo ng Ikaapat na Republika ng Pilipinas

* Corazon C. Aquino: 1986

Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas

* Corazon C. Aquino: 1986-1992
* Fidel V. Ramos: 1992-1998
* Joseph Ejercito Estrada: 1998-2001 (pinalitan sa pwesto)
* Gloria Macapagal-Arroyo: 2001 – 2010
*Benigno “NoyNoy” Aquino: 2010-2016

9 Responses to “Mga Pangulo ng Pilipinas”

  1. salamat sa inyong ibinigay na impormasyon sa amin………….just continue your doing……………thank you very much………………………

  2. go do agood job

  3. ou nga kulang pa po kse iih,…dapat may talambuhay

  4. kaya nga po….. yun po ang hinahanap namin

  5. …..OU NGA DAPAT MAY TALAMBUHAY,…
    …PARA NAMAN COMPLETO

  6. kulang po sa timeline

  7. mark jayson on August 6, 2011 @ 5:12 am

    ang gara naman di ko makita ang mga nagawa ng presidente sa ating bayab la na bang iba kanina pa ako nag hahanap eh pero ok lang

Leave a Reply