Buod ng Noli Me Tangere

3:53 pm in Tagalog by tl

Ang Buod ng Noli Me Tangere is from a very popular novel published by Jose Rizal. If you are looking for Buod ng Noli Me Tangere you can search it here. Touch Me Not is the literal english translation of Noli Me Tangere. If you have your own collection of Buod ng Noli Me Tangere feel free to publish it here as well.

Ito ang isang parte ng Buod ng Noli Me Tangere:

May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Marami pang dapat na matutuhang kagandahang asal sa isang handaan ang ilan sa mga bisita. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalaala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.

Karugtong ng Buod ng Noli Me Tangere:

Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinion ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.

Is this Buod ng Noli Me Tangere enough for you? Feel fre to add yours.

No related posts.