Tula Tungkol sa Kalikasan

3:18 pm in Tagalog by tl

Ang tulang pinamagatang Kapag Umuulan ay isang halimbawa ng tula tungkol sa kalikasan.
Kapag Umuulan

Kapag umuulan
Makulimlim, malamig
Ang himpapawid.
Makulimlim, malamig
Ang silong ng langit.

Kapag umuulan
Basa, nanggigitata
Minsa’y binabaha
Ang kalsada.
Basa, nanggigitata
Minsa’y binabaha
Ang banig ng bata.

Kapag umuulan
Malamig, basa
Ang tiyan ng bata.
Nanggigitata
Ang bata
Habang mga paa’y
Nakasawsaw sa baha.

Kapag umuulan
Ang bata sa lansangan
Habang nakadapa
Nakatunganga
Sa baha.

No related posts.